-- Advertisements --

Nakalatag na ang security plan para sa pagdating ng pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, na mayroon na silang koordinasyon sa ibang ahensiya gaya sa PNP.

Dagdag pa nito na noon pa man ay pinaghandaan na nila ang nasabing planong pagbibigay ng seguridad kay Guo kapag dumating na sa bansa.

Magugunitang naaresto si Guo sa Indonesia kung saan hawak na ito ng mga kapulisan doon.