-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Alerto at handang-handa na ang Police Regional Office-13 (PRO-13) sa lahat nitong mga security preparations para sa national at local elections bukas, Mayo a-9.

Ayon kay PRO-13 Director Police Brigadier General Romeo Caramat, Jr., full swing na ang kanilang preparason kung kaya’t plastado na ang deployment ng kanilang mga uniformed personnel upang bantayan at bigyan ng seguridad ang mga vote-counting machines, official ballots, at iba pang mga elections equipment, supplies, at paraphernalia ng Commission on Elections o COMELEC.

Sa buong Caraga Region, aabot sa 6,886 na mga Philippine National Police (PNP) personnel na gagawa ng kanilang mga election-related functions base na sa utos ng COMELEC, ang sa ngayon ay nasa kani-kanila ng mga provincial hubs na kinabibilangan ng 73 mga City at Municipal Treasurer’s Offices, at 1,349 mga polling centers.

Na-detail na rin ang mga personahe mula sa Department of Education (DepEd), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP), upang makamit ang matiwasay at ligtas na eleksyon na suportado naman ng 258 mga na-train na na police force ng PRO-13 at naka-standby bilang mga electoral boards.