-- Advertisements --

Tiniyak ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Security Task Force na 100 percent na silang handa sa pagdating ng mga world leaders sa Pilipinas na dadalo sa ASEAN Summit.

Plantsado na rin ang seguridad na kanilang inilatag para sa mga heads of state.

Ayon kay ASEAN Security Task Force Operations officer C/Supt. Noel Baraceros, sa ngayon ay 100 percent deployed na rin sa sa iba’t ibang ASEAN venues sa kalakhang Maynila ang nasa 60,000 security personnel na nagmula sa 21 ahensiya ng pamahalaan.

Pahayag ni Baraceros na maging sa area ng Region 3, partikular sa Clark, Pampanga kung saan bababa ang mga heads of state at mga world leaders ay in-placed na rin ang seguridad.

Sinabi ng heneral na ang mga idineploy na mga security personnel ay binubuo ng tatlong elements: una ang security para sa mga world leaders at heads of state, ikalawa ang nakatutok sa anti-criminality at ang huli ay ang para sa emergency preparedness and response.

Inanunsiyo din ng opisyal na may dalawang world leaders ang darating bukas, araw ng Sabado habang ang iba ay sa Linggo na ang dating.

Ipapatupad na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang no fly Zone at no sail zone na Maritime command.

Magpapatuloy din ang gagawing pagpapatrolya ng mga pulis sa mga lansangan.

Tiniyak din ni Baraceros na preparado na ang bansa sa pag-host sa ASEAN Summit, maging sa pag-secure sa mga world leaders at mga heads of state.

Maging sa pag convoy sa mga ito mula Clark patungong Manila ay plantsado na rin dahil praktisado na ang mga Highway Patrol Group (HPG) personnel na magse-secure sa mga ito.