-- Advertisements --
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of National Defense (DND) at sa National Security Adviser (NSA) ang usapin hinggil sa posibleng banta ng telephone company na Huawei sa seguridad ng Pilipinas.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng pagsuspinde ng Google sa transaksyon nito sa nasabing Chinese telecom, habang ban na rin ang Huawei sa ibang pang bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, aantayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang rekomendasyon mula sa DND at NSA.
Inihayag ni Sec. Panelo na hindi rin siya masyadong pamilyar sa Huawei kaya’t hindi niya masabi sa kasalukuyan kung dapat na bang magpalit ng smartphones ang mga Huawei users o kung may dapat bang ipag-alala ang mga ito.