-- Advertisements --
MEDIA
Presidential Task Force on Media Security,Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco with PNP HPG Dir. PBGen. Filmore Escobal

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at kaligatasan ng mga miyembro ng media ang siyang pinakamahalaga.
Ito’y kasunod ng insidenteng pagpatay sa isang radio commentator sa Butuan City kaninang alas-5:25 ng umaga.
Sinaksak patay ng hindi nakilalang indibidwal ang radio comentator na nakilalang si Francisco Patindol.
“The safety and protection of members of media is paramount”, ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac.
Sinabi ni Banac may mga hakbang ng ginagawa ang PNP para tutukan ang isyu sa seguridad ng mga media lalo na at papalapit na ang 2019 national and local elections.
Sa katunayan, dagdag pa ni Banac nuong April 10, 2019 inilunsad sa kampo Crame ang Task Force Media Security.
Layon ng paglunsad ng Task Force Media Security ay para masiguro ang kaligtasan ng mga miyembro ng media na posibleng maging target ngayong halalan.
Ayon kay Banac, nasa 21 personnel mula sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG)ang itinalaga sa Presidential Task Force on Media Security.
Una ng inihayag ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco na sa tuwing panahon ng halalan, nagiging “risky” ito sa mga media at may mga datos silang hawak na may mga miyembro ng media ang nagiging biktima ng karahasan.
Nanawagan naman ang Task Force sa mga miyembro ng media sa buong bansa ng maging maingat at vigilant.