-- Advertisements --

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng mga otoridad dito sa San Francisco kasunod ng APEC Economic world leaders summit 2023 kung saan dadalo dito ang 21 economic member countries kabilang na si US President Joe Biden.

Sa pag-iikot ng Bombo Radyo sa ibat ibang kalye ng San Francisco ngayong gabi, ilang mga lugar ang sinarado lalo na ang malapit sa vicinity ng Moscone Center kung saan ginaganap ang APEC World Leaders Meeting 2023.

Bukod sa deployment ng San Francisco policemen, naka deploy din ang mga secret service katuwang ang highway patrol group.

Sa pakikipag-usap ng Bombo Radyo sa mga otoridad wala naman silang naitalang mga untoward incident.

Sinabi ng mga ito na 24 hours naka deploy ang mga otoridad matiyak lamang ang seguridad.

Nasa 21 head of states na miyembro ng APEC ang dadalo.
Samantala, sa pagdating ni Pang. Ferdinand Marcos Jr kaninang alas-5:06 ng hapon dumiretso agad ito sa San Francisco Convention Center para makipagkita sa Filipino Community.

Mainit na tinanggap ng Filipino community ang chief executive.

Hindi magkamayaw ang mga Pilipinong nagsama sama sa pagsalubong sa Punong Ehekutibo na mula pa sa ibat- ibang Lugar ng Amerika na sinadya ang San Francisco para makadaupang palad ang Pangulo.

Ibinida naman ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipinong bahagi na ng ibat- ibang economic sector ng Estados Unidos gaya ng media maging ng US politics.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ginoong Alex Borromeo sinabi nito na suportado nila si PBBM kayat kahit nasa Washington sila nakatira ay dumayo pa silang mag-asawa sa san Francisco .

Para kay ginang Lilia Tado suportado nito ang isinusulong na pagkakaisa o unity ng chief executive.