-- Advertisements --
NAGA CITY – Kampante ang Department of Education (DepEd) na nasa mabuting lagay ang mga guro na magsisilbing board of election inspectors (BEI) sa areas of concern ng halalan sa Lunes, May 13.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Dr. Gilbert Sadsad, regional director ng DepEd-Bicol na pinaabot sa kanilang hanay ng pulisya at militar ang pagsisiguro na mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa pagbabantay sa mga BEI.
May idedeploy din na security personnel malapit sa polling precints na agad reresponde sakaling magkaroon ng problema.
Sa ngayon, ani Sadsad, wala silang nakikitang problema sa eleksyon dahil sapat naman ang bilang ng mga guro na magsisilbi sa Lunes.