Ipinagbabawal na ng United Kingdom ang pagdaan ng mga British ships sa karagatan ng Iran kasunod ang nangyaring muntikang pagdakip ng limang armadong barko sa isang British oil tanker.
Itinaas ng naturang bansa sa “critical level” ang banta sa kaligtasan ng kanilang mga barko na nagbabalak dumaan sa Iranian territorial waters.
Ayon sa Department of Transport, regular nilang binibigyan ng security advise ang mga barko ng UK lalo na sa mga itinuturing na high-risk areas.
Pinaniniwalaan na ang limang barkong ito ay pagmamay-ari ng Islamic Revolution Guard Corps (IRGC).
Kamakailan lamang nang hulihin ng Royal Gibraltar Police ang kapitan at chief officer ng isang Iranian tanker matapos mabatid ng mga ito nilabag nila ang ipinataw na sanction sa European Union.