CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukan mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang seguridad ng dating opisyal ng New People’s Army (NPA) mula Misamis Oriental na nagbalik-loob na sa gobyerno subalit ipina-aresto ng korte dahil sa pending criminal cases sa sa Caraga Region at Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Phividec Industrial Estate administrator Jose Gabriel Pompee La Viña na hindi umano nagustuhan ni Lorenzana na ang ginawa ng pulisya na walang koordinasyon mula sa kanila ang pag-aresto kay rebel returnee Alfredo Mapano alyas Ka Pares sa loob ng working area nito sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.
Inihayag ni La Viña na may mga tauhan si Lorenzana na pinapadala sa Caraga Region upang tiyakin na nasa maayos lang na kalagayan si Mapano habang nire-resolba ang kinaharap nito kasong robbery in band.
Sinabi nito na maging ang tanggapan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Percida Acosta ay tumulong na rin upang maresolba agad ang kinahaharap na kaso ng dating miyembro ng armadong kilusan.
Nagkakaso si Mapano sa taong 2018 at 2019 subalit batay sa official record ng Phividec ay nagta-trabaho na ito.
Si Mapano ang isa lamang sa binigyang pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakakulong sa Misamis Orienta Provincial Jail upang mapabilang sa negosasyon sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at gobyerno sa bansang Italya taong 2017.