DAGUPAN CITY – Tiniyak ng pulisya sa Pangasinan na ligtas at nakaalerto ang kanilang hanay kaugnay ng inaasahang buhos ng mga deboto na bibisita sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Palm Sunday.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Capt. Manuel Garcia, deputy chief of police ng Manaog Municipal PNP na nakalatag na ang mga plano ng kanilang tanggapan dahil malaking bilang umano ang kanilang inaabangan na dadating sa kilalang pilgrimage site.
Bukod sa mga pulis, katuwang din daw nila ang mga sundalo para matiyak ang seguridad ng mga deboto.
Kaugnay nito, magpapatupad daw ng traffic re-routing dahil inaasahan din na bibigat ang daloy ng trapiko sa palibot ng simbahan.
Pinag-iingat naman ng opisyal ang mga bibisita na mag-ingat sa masasamng loob gaya ng mga mandurukot o snatcher.
Pinaalalahanan naman nito ang mga deboto na nagnanais magtungo sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag na maging vigilante at mag-ingat sa mga masasamang loob katulad ng mga mandurukot.