Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang pangangalagaan ang kaligtasan ng mga guro at personnel na magsisilbi sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na May 14, 2018.
Nagpahayag kasi ng pangamba ang mga ito lalo na sa mga lugar na isinailalim sa election watchlist o hotspot areas.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, plantsado na ang seguridad sa halalan kung saan kasama nila ang Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad nito.
Nabatid na aabot sa 5,744 barangays sa bansa ang pasok sa election watchlist.
Batay sa datos ng Directorate for Intelligence, nasa mahigit 2,000 barangays ang nasa category 1, mahigit 3,000 ang nasa category 2, habang 271 sa category 1.
Dagdag pa ni Bulalacao, mahalaga ang papel ng mga guro sa eleksyon kung kaya’t nararapat lang na ibigay sa kanila ang tiyak na proteksyon.