-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng media sa lalawigan.

Ayon kay PCAPT. Renan Dela Cruz, ang Public Infomation Offficer ng Pangasinan PPO, sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan at ng mga mamamahayag na siyang tagahatid ng impormasyon sa publiko.

Kaya naman, aniya, sisiguraduhin ng kanilang hanay ang proteksyon at kaligtasan ng mga kinatawan ng media sa lalawigan.

Dagaga pa niya, wala pang natatanggap na report ang mga kapulisan patungkol sa mga kasong kinasasangkutan ng kapahamakan ng mga mamamahayag.

Ngunit saaad pa niya na kung mayroon man ay kanilang agad inaaksyunan agad ang mga idinudulog sa kanilang himpilan.

Sa katunayan pa aniya, ay maganda ang relasyon ng mga komunidad sa lalawigan sa mga media.