CENTRAL MINDANAO – Paiigtingin ang seguridad at pagpapatupad ng batas sa lungsod ng Cotabato.
Ito ang napag-usapan sa isinagawang City Peace and Order Council meeting na pinangunahan mismo ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi.
Hinimok din ni Cotabato City director Col. Portia Manalad ang lahat na mga opisyal ng barangay at iba’t ibang sektor na magkaisa at magtulungan para sa mapayapang komunidad.
Una rito, dumalo sa City Peace and Order Meeting ang mga opisyal ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army, CIDG-BARMM, PDEA-BARMM, Joint Task Force Kutawato, NBI-BARMM at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Nanawagan din si Mayor Guiani-Sayadi na gawing mapayapa at makabuluhan ang pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan.
Nagpaabot na rin ng pagbati ang alkalde sa buong mananampalatayang Islam sa lungsod ng Cotabato.