DAVAO CITY – Nakahanda na ang Davao city Police office (DCPO) sa pagpapatupad ng security template para sa Simbang Gabi tradition na magsisimula ngayong Disyembre 16 nitong kasalukuyan.
Malalang una ng nagdeploy ang Davao City Security and Safety cluster noong Nobyembre 30 kung saan mahigit 6,000 na segurity personnel at force multipliers ang itinalaga sa iba’t ibang panig sa lungsod para sa seguridad sa Holiday Season, at kabilang na dito ang Misa De Gallo sa pasko.
Ayon kay, DCPO spokesperson PMaj. Catherine Dela rey, ipapatupad ng DCPO ang maximum volume sa pagtalaga ng kanilang personahe sa 41 mga simbahan sa lungsod. Lalo na at inaasahan na dadagsa ang mga tao na papasok sa simbahan ngayong taon dahil sa mas pinaluwag na restriction sa COVID-19.
Mahigpit din na binabantayan ng kapulisan ang mga aktibidad ng grupo ng mga kabataan sa pangamba na gagawa ang mga ito ng kalukuhan kagaya na lamang ng riot.
Muli ay nagpaalala ang DCPO sa mga dabawenyos na kailangang sundin ang ipapatupad na security template sa Simbang gabi. Kagaya ng mga naunang malalaking events sa lungsod, mahigpit na ipinagbabawal ang backpacks, non transparent na tumbler ng tubig, matutulis na bagay at mahigpit din na ipinagbabawal ang pagsusuot ng jacket sa loob ng simbahan.