-- Advertisements --

Ngayong tapos na ang Pasko, seguridad naman sa pagsalubong sa Bagong Taon ang tinututukan ng pamunuan ng National Capital Region Police (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde, kanilang babantayan ang mga lugar sa Metro Manila na may mga naitalang kaso ng indiscriminate firing noong nakaraang taon kagaya ng Baseco compound sa Maynila, Maharlika village sa Taguig at sa lungsod ng Navotas.

Kinumpirma ni Albayalde na nag-deploy na siya ng mga pulis sa mga nasabing lugar para magsagawa ng patrolya at tiyakin na magkaroon ng zero incident sa illegal discharge of firearms.

Tiniyak naman ni Albayalde na nakalatag na ang kanilang seguridad para sa pagsalubong sa bagong taon at sapat ang pwersa ng mga pulis.
Layon nito para maging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng bagong taon.