KALIBO, Aklan–Kasunod sa patuloy na pagbuhos ng mga turistang bumabakasyon sa isla ng Boracay, mas lalo pang hinigpitan ng mga kapulisan ang kanilang security coverage.
Sinabi sa Bombo Radyo Kalibo ni Patrolman Lhar Talaga, Asst PCR PNCO ng Caticlan Airport Police Station na nananatiling nasa hightened alert status ang buong hanay ng pulisya.
Nagsagawa rin ng random visual paneling at nagpatrolya ang mga myembro ng PNP PECU Aklan o Provincial EOD and Canine Unit para matiyak ang kaligtasan ng mga publiko lalo na ang mga kasalukuyang nagbabakasyon sa isla.
Gumamit ang mga ito ng ilang K9 dogs upang masiyasat ang lahat ng bahagi ng pantalan, paliparan at mga baybayin.
Sa kasalukuyan ay mahigit sa limang libo ang tourist arrival sa loob lamang ng isang araw lalo na nitong holy week gayundin mas pang nadagdagan ang mga flights ng mga airline companies sa Caticlan Airport dahil sa bulto ng mga pasahero.
Sa kabilang dako, sumipa sa 184,970 ang naitalang tourist arrivals sa Boracay sa buwan ng Marso.
Sa nasabing bilang, 144,669 dito ang domestic tourist; 4,538 ang Overseas Filipinos at 35,763 naman ang mga dayuhang turista.
Kaugnay nito, nanguna parin ang mga Koreans sa bilang ng mga turistang bumisita nitong Marso na nakatala ng halos 13,000.
Sumunod dito ang mga turistang mula naman sa United Staes of America na may 3641; Taiwan na may 1689 tourist at Australia na may 1497.
May mga naitala rin na tourist arrival mula sa mga bansa ng China, Germany at Russia.