-- Advertisements --

Kontrolado pa rin ng pulisiya at militar ang peace and order situation sa Buluan, Maguindanao.

Matatandaan na limang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) ang napatay sa engkwentro ng militar sa Sitio Linek, Barangay Digal sa bayan ng Buluan.

Sinabi ni Buluan chief of police, Lt. Cemafranco na sa ngayon ay hinigpitan pa ng pulisya at militar ang kanilang pagbabantay sa lugar kaya walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa Buluan.

Maliban sa national highway regular na nagpapatrol ang mga kasapi ng PNP maging sa mga liblib na bahagi ng Buluan.

Nilinaw din ni Cemacio na ang Sito Linek kung saan naganap ang engkwentro ay wala masyadong mga tao at malayo sa mga kumunidad.

Nagbanta kasi ang BIFF na gaganti at na maglulunsad na kalat-kalat na pananalakay sa lalawigan ng Maguindanao.