-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpaptuloy sa ngayon ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa panghahagis ng granada sa estasyon ng mga kapulisan sa Bayan ng Carmen ,North Cotabato.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PMaj. Carl Jayson Baynosa, hepe ng Carmen MPS, inamin nito na wala pa silang persons of interests o grupo at malinaw na anggulo o motibo sa nangyaring pananabotahe sa kanilang estasyon.

Ayon kay Banyosa, wala naman umano silang natanggap na pananakot o pagbabanta mula sa anumang grupo o indibidwal.

Isa sa mga nakikita umanong rason ng hepe ay ang sunod-sunod na operasyon ng mga otoridad laban sa illegal na droga,illegal firearms at mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa kanilang bayan dahil posible umanong gumaganti umano ang ilang criminal at violators sa kanilang lugar.

Ipinasisiguro naman ng opisyal sa kanilang bayan na mas hihigpitan pa ng kanilang grupo ang pagpapatrolya at operasyon sa kanilang bayan bilang sagot at hakbang sa nasabing pananabotahe.

Nagapapasalamat naman ito dahil walang naiulat na nasaktan o namatay sa nasabing insidente.