-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Police Regional Office -XI sa mamamayan na mapapanatiling ligtas ang probinsya sa Davao del Sur at under control ito ng kapulisan, sa kabila ng mga nangyaring krimen sa probinsya.

Ayon kay PRO XI Spokesperson PMaj. Atty. Eudisan Gultiano nga may tatlong kaso ng pagnanakaw at rape na naitala sa nasabing probinsya noong Marso 24, 30 at 31.

Pagpapaliwanag pa ng opisyal na nagdulot ng takot sa mga residente ang post sa social media na nagsasabing “series of crimes” ang nangyaring nakawan at rape sa probinsya.

Paglilinaw ni Gultiano na hindi pa kumpirmado ang nasabing post kung kaya’t nagpapatuloy sila sa monitoring sa nasabing social media post para sa validation.

Kung kaya’t panawagan ng opisyal sa publiko na i-verify muna ang mga impormasyon na nai-post online at mas nakakabuti kung ireport ito sa kapulisan upang hindi ito makapagbibigay takot sa publiko.