-- Advertisements --

Patuloy na hinigpitan ng Kapulisan sa loob at labas ng Quiapo Church dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto para sa banal na Misa ilang araw bago ang Traslacion sa Martes.

Isa nga dito ay ang pagdaraan sa x-ray machines ang mga gamit papasok sa
simbahan habang habang isinasalang naman sa walk through metal detector ang mga deboto.

Ipinapatupad din ang one entrance at multiple exit sa naturang simbahan.

Muling nagpaalala ang mga pulis at pamunuan ng Quiapo Church na wag ng magdala ng ipinagbabawal gamit.