-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief Oscar Albayalde na kanila pang palalakasin ang pagbabantay sa mga komunidad, lalo na ang mga bahay na iniwan ng mga residente dahil sa lumikas ang ito bunsod ng malakawang pagbaha na dulot ng habagat.

Ayon kay Albayalde kaniya nang ipinag-utos sa mga commanders na magsagawa ng patrolya para maiwasan na maging biktima ng pagnanakaw ang mga bahay.

Nitong Lunes nang nagsagawa ng aerial survey si Albayalde kasama si National Capital Region Police Office chief, C/Supt. Guillermo Eleazar.

Aniya, sa Metro Manila humuhupa na ang tubig-baha pero ang probinsiya ng Bulacan ay malubhang apektado pa rin dahil lubog pa rin sa tubig ang mga kabahayan.

Binisita naman ni Albayalde ang ilang evacuation centers sa Marikina at kinamusta ang kalagayan ng mga evacuees.

Ayon sa heneral, ipinaalam sa kaniya ng mga nagsilikas na sila ay nangangamba na baka pag uwi nila sa kanilang mga tahanan ay nilimas na ito ng mga magnanakaw.

Tiniyak naman ni Albayalde sa mga evacuees na paigtingin ng mga pulis ang pagpapatrulya sa mga komunidad.