BUTUAN CITY – Mas hinigpitan pa ng pulisya ang seguridad sa mga tourist spots sa Agusan Del Norte dahil sa inaasahang pagpasok ng mga turista ngayong Semana Santa kungsaan may mataas na panahon sa bakasyon dahil walang trabaho at eskwela.
Ayon kay Police Lt. Honorio Campos, tagapagsalita ng Agusan Del Norte Police Provincial Office, nagbigay na ng direktiba si Provincial Director Police Col. Filemon Pacios sa mga municipal at city police stations pati na sa mobile force company na mag-deploy ng mga personahe sa bawat- tourist spots.
Ayon sa opisyal, nagsagawa na sila ng training para sa Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection o TopCop upang mabigyan ng seguridad ang mga turista na darating sa probinsiya.
Dito’y tinuruan ang mga partisipante sa mga kailangang ipapatupad na security measures pati na ang pagbibigay ng first aid.
Dagdag pa ng opisyal, ang bayan ng Carmen ang syang pinakadadayuhin ng turista base na rin sa datus ng Provincial Tourism Office.
Tinatawagan din ng opisyal ang mga turista na kailangang magpalista muna sa mga tourism assistance desks pagdating nila sa bawat-tourist spot ng lalawigan.