BAGUIO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ang seguridad na isinasagawa sa loob at labas ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar, Loakan Road.
Ito ay para sa pinaka-inaabangang pagtatapos ng mga kadeteng bumubuo sa PMA MABALASIK (Mandirigma ng Bayan, Iaalay ang Sarili, Lakas at Tapang, Para sa Kapayapaan) Class of 2019.
Ayon sa pamunuan ng PMA, kahapon pa nakarating dito sa lunsod ng Baguio si Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing guest of honor and speaker sa graduation ceremony.
Dadalo rin sa aktibidad si Vice President Leni Robredo gayundin si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., mga commanders ng major services ti AFP, si Secretary of National Defense Delfin Lorenzana at iba pa.
Mula pa noong nakaraang Linggo ay hinigpitan na ang seguridad sa akademya para sa kaligtasan ng mga kadete at ang mga kamag-anak nilang dadalo sa graduation rites.
Ngayong araw ay mas lalo pang hinigpitan ang inspeksyon sa mga papasok sa akademya bago magsimula ang aktibidad sa dakong alas-9:00 ng umaga.
Nasa 261 kadete ang magtatapos kung saan 164 sa mga ito ang papasok sa Philippine Army, 63 sa Philippine Air Force at 66 sa Philippine Navy.
Si Cadette 1CL Dionne Mae Apolog Umalla mula Allilem, Ilocos Sur ang Class Valedictorian ng PMA Class of 2019 kung saan siya ang panglimang babae na naging topnotcher sa premier military school ng Asya.