BUTUAN CITY – Mas pinaigting ngayon ng Saudi Arabian authorities ang kanilang seguridad matapos ang sunod-sunod na drone attacks sa planta ng Aramco oil firm nitong nakalipas na weekend Sabado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan sa Butuanong si Pinky Bayer, na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, iniulat nito na nag-detail na ng maraming mga sundalo ang kingdom para sa mas pinalakas na checkpoints lalo na’t ipagdiriwang ng nasabing bansa ang kanilang ika-87 anibersaryo ng independence day.
Ayon pa sa naturang OFW, mariin ding ipinagbabawal sa Saudi ang mga Iranians matapos itinurong mula sa kanilang bansa ang inilunsad na drione at missiles attacks.
Ngunit sa kabila nito balik pa rin sa normal na kanilang trabaho.
Samantala patuloy namang pinapaalalahanan ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na mag-iingat palagi.