-- Advertisements --

Nakatakdang dumalo sa Super Bowl 59 si US President Donald Trump.

Dahil dito ay mas hinigpitan ng secret service ang kanilang pagbibigay ng seguridad sa Ceasars Superdome sa New Orleans.

Uukit ng kasaysayan sa National Football League ng US si Trump dahil siya lamang ang unang nakaupong pangulo na dadalo sa Super Bowl.

Noong panahon kasi ni dating US President Ronald Reagan ay nakasama siya sa pre-match coin toss pero isinagawa ito sa White House.

Mula kasi noong 1967 ay itinuturing na ang Super Bowl ay isa sa mga pinakamalking kaganapan sa American sporting calender kung saan dinadaluhan ito mga celebrities at mga pulitiko.

Ang Super Bowl ngayong taon ay sa harapan ng Kansas City Chiefs at Philadelphia Eagles.