-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda na ang mahigpit na seguridad na ilalatag ng mga otoridad sa darating na Traslacion ng Black Nazarene sa lungsod ng Iligan.
Inamin kasi ni Iligan City Information Officer Joe Pantoja na may mga armadong grupo na nagbabalak umanong manggulo sa kanilang lugar kagaya na lamang ng Maute-ISIS inspired group at mga rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Sinabi ni Pantoja na bagama’t bumaba na sa level 2 ang banta ng pagsalakay ng mga masasamang loob, hindi pa rin sila magpapakumpyansa.
Dahil dito, todo paghahanda na ang mga pulis, militar at iba pang force multipliers sa pagbabantay sa mga taong makikilahok sa Traslacion sa darating na Enero 9 sa naturang siyudad.