-- Advertisements --
Sobejana
Newly installed Wesmincom Commander, MGen. Cirilito Sobejana

Palakasin ang pagbabantay sa tri-boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang isa sa bibigyang pansin rin ng bagong talagang Wesmincom Commander bukod sa pagpulbos sa teroristang Abu Sayyaf bago magtapos ang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay newly installed Wesmincom Commander MGen. Cirilito Sobejana kaniyang sinabi na kaniyang isusulong sa tripartite command na paigtingin pa ang mga capabilities para i-secure ang tri-boundary ng tatlong bansa.

Binigyang-diin ni Sobejana na sa panig naman ng territorial waters ng Pilipinas kaniyang sisiguraduhin na dadagdagan nito ang presensiya ng militar o palakasin ang pwersa ng militar sa karagatan, ibig sabihin magdedeploy sila ng mga dagdag na naval assets para isecure din ang maritime domain ng bansa.

Layon nito para hindi na magkakaroon pa ng pagkakataon ang mga teroristang Abu Sayyaf na maghasik ng karahasan lalo na ang kanilang kidnapping activities sa mga high seas.