Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng seismic activity sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na araw,
Namonitor ng ahensiya ang 24 na volcanic-tectonic earthquakes sa pamamagitan ng Kanlaon Volcano network.
Pumapalo sa 0.8 hanggang 2.3 ang lakas ng naturang lindol sa bulkan at may lalim na 0 hanggang 8 kilometers sa ilalim ng western flank ng Kanlaon volcano edifice.
Tumaas naman ang naitalang sulfur dioxide at gas emission mula sa summit crater ng bulkan na nasa average na 2.003 tonelada kada araw as of May 26.
Bunsod ng mga akibdiad sa bulkan, nananatiling nasa Alert Level 1 ito o low level unrest.
Kayat pinagbabawalan pa rin ang publiko na pumasok sa 4-km permanent danger zone dahil sa mataas na tiyansa ng biglaan at mapanganib na pagsabog.
Gayundin pinagbabawalan ang mga sasakyang panghimpapawid na magpalipad malapit sa bulkan