-- Advertisements --
Department of Agriculture DA at Bureau of Plant and Industry Region 1 patuloy ang pakikipag ugnayan sa mga Local Government Units sa isinasagawang monitoring ng ani ng sibuyas

Muling nananawagan ang isang mambabatas sa gobyerno na buhusan na ng mas maraming tulong at pondo ang sektor ng agrikultura ng sa gayon makatulong ito sa ating mga magsasaka at hindi na umabot sa punto na magkakaroon ng kakapusan.

Ayon kay AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee maraming kailangang gawin upang maayos ang agrikultura kaya dapat pagtuunan na ito ng pansin ng gobyerno ng sa gayon maging bibo uli ang agriculture sector.

Punto ng mambabatas kapag maayos at improved ang agriculture sektor magreresulta ito sa maayos na pamumuhay ng mga magsasaka.

Ipinunto ng mga mambabatas, kailangan na ng ating mga magsasaka at mangingisda ng tulong ng sa gayon guminhawa rin ang kanilang pamumuhay.

Batay sa 2021 poverty statistics na inilabas ng Philippine Statistics Authority, ang mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty incidence na 30.6 percent, sinundan ng mga magsasaka na may 30 percent.

Ayon kay Cong. Lee na nananatili ang hamon para sa gobyerno na pasiglahin ang agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon, na maglilipat ng trabaho patungo sa mas mataas na halaga ng mga trabaho tulad ng mga operator ng kagamitan at iba pang gumagamit ng teknolohiya.

Dapat ding humanap ng paraan ang pamahalaan upang maakit ang mga nakababatang henerasyon na ituloy ang pagsasaka upang matugunan ang napipintong kakulangan ng mga magsasaka.

Nagbabala ang dating kalihim ng agrikultura na si William Dar noong 2021 tungkol sa isang “kritikal” na kakulangan ng mga magsasaka sa loob ng 12 taon,batay sa isang pag-aaral noong 2020 ng retiradong propesor sa antropolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas na si Florencia Palis, na nagpapakita na ang average na edad ng mga Pilipinong magsasaka ay 53—mula sa 46 taon.

Sinabi rin ng parehong pag-aaral na ang mga magsasaka na ito ay nagtatrabaho sa bukid sa loob ng 25 taon.

Hinihikayat din ng mga ito ang kanilang mga anak na ipagpapatuloy ang pagtatanim ng mga agricultural products.