CENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng pagsisikap ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na palakasin ang sektor ng agrikultura sa probinsya ng Cotabato nagsagawa ng Cassava Production Management and Awareness on Cassava Phytoplasma Disease Training ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) Carmen, Cotabato.
Ito ay nilahukan ng 50 cassava farmers mula sa mga bayan ng Carmen at Matalam na nagnanais mabigyan ng sapat na kaalaman upang maayos at mapalago ang produksyon ng cassava sa kanilang mga lokalidad.
Kabilang sa mga tinalakay sa naturang aktibidad ay ang mga sintomas at epekto ng Phytoplasma Disease na isa sa mga sakit na nakukuha ng mga tanim na cassava sa lalawigan.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina Provincial IPM Coordinator Rogaya S. Acoy, Provincial Cassava Coordinator Alexander C. Paez, San Miguel Corporation Mindanao Area Supervisor Lito C. Culagbang, Matling Corporation Representatives John Louie T. Gamit at Agustin C. Sobreno Jr., at mga Municipal IPM/Cassava Coordinators.