Kahit papaano ay umangat pa rin daw ang produksiyon sa agrikultura sa Pilipinas sa third quarter ng taong kasalukuyan.
Sinasabing sorpresa raw ito dahil sunod sunod na kalamidad ang tumama sa bansa.
Gayunman nangangamba ang ilang mga analysts, na hindi ma-sustain ang economic growth dahil sa panibago na namang nagdaang mga bagyo.
Una rito sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority ang tinatawag na farm output, ay umangat pa sa 1.8% year-on-year mula buwan ng Hulyo at nitong nakalipas na nagdaang Setyember.
Lumalabas din na nakabawi ang sektor mula sa paghina sa nakalipas na unang anim na buwan ng taon.
Sa kabila nito nangangamba pa rin ang ilang mga analysts na hindi pa rin sapat ang pag-angat sa agrikultura sa unang mga quarters upang punan ang pagkalugi nitong mga huling bahagi ng buwan.
Sinasabing naging malaki umano ang epekto ng mga huling bagyo na makakaapekto sa daratig pa na mga buwan.