Nag-iwan na ng P80.80 million na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang ilang araw na pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.
Base sa damage assessment ng Department of Agriculture (DA), nakaapekto ang kalamidad sa kabuuang 2,864 magsasaka sa Cordillera, MIMAROPA, Bicol at Western Visayas.
Ang halaga ng production loss ay tinatayang nasa 5,287 metrikong tonelada saklaw ang 1,570 ektarya ng agricultural land.
Habang nagpapatuloy naman ang damage assessment sa field, inaasahan na ang pinsala at lugi sa sektor ng agrikultura ay tataas pa gayundin posibleng maapektuhan pa ang karagdagang commodities.
Kaugnay nito, naghanda na ang ahensiya ng mga interbensiyon para sa mga apektadong magsasaka kabilang ang agri inputs, loan mula sa Survival and Recovery program at indemnification ng mga apektadong insured farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corp.