Nananatili pa rin ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa P6.326 trillion national budget para sa 2025.
Batay sa 2025 General Appropriations Act, tumanggap ng PhP1.05 trillion na alokasyon ang education sector.
Sinundan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at PhP1.007 trillion; Department of National Defense (DND), PhP315.1 billion; Department of the Interior and Local Government (DILG), PhP279.1 billion; Department of Health (DOH), PhP267.8 billion; and the Department of Agriculture at PhP237.4 billion.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) may PhP217.5 billion; Department of Transportation (DOTr), PhP123.7 billion; Judiciary, PhP64.0 billion; and Department of Justice (DOJ) at PhP 42.2 billion.
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na prayoridad sa gugugulan ng pondo sa susunod na taon ang edukasyon at social services.
Itutuloy aniya ang mga hakbangin para mapunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at ang mga computer ng mga eskwelahan.