-- Advertisements --

Karagdagang 1.1 million mga trabaho ang inaasahang malilikha mula sa sektor ng Information technology and business process management (IT-BPM) at aabot sa doble ang annual revenues pagsapit ng taong 2028 base sa kanilang latest roadmap.

Ayon sa IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), ang paglikha ng mga trabaho ay alinsunod sa pagtaya na growth rate na 8.5%, dahilan para pumalo ang total headcount sa 2.5 million.

Mahigit kalahati o nasa 54% ng bagong mga trabaho ang nakatakdang ipatayo sa countryside kung saan inaasahang nasa 3 million indirect jobs ang malilikha sa retail, hospitality, infrastructure at real estate.

Nakikita din ng nasabing industriya na makapag-generate ng $59 billion na taunang revenue sa taong 2028 na nagrereflect ng compound annual growth rate na 10.4%.

Sa ilalim kasi ng batas, ang mga kompaniya na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay required na mag-operate sa on-site basis para maipagpatuloy ang kanilang tax perks.

Samantala, pinalawig ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang work from home arrangement para sa IT-BPM firms na nakarehistro sa PEZA hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.