-- Advertisements --
Tanging ang sektor sa ekonomiya ng pagmimina, quarrying at real estate ang hindi pa nakakarecover mula sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na lahat ng sektor ay nalampasan na ang kanilang pre-pandemic level sa unang quarter ng 2024.
Ang pagmimina at ang real estate kasi ay bumubuo ng 6.4 percent ng gorss domestic product ng Pilipinas ang hindi pa nakaka-recover.
Ang GDP ng bansa sa unang quarter ng 2024 ay mas maganda kaysa sa pre-pandemic level.
Umabot pa sa tatlong taon mula 2021 hanggang 2023 ng maaabot ang 10 percent level.
Umaasa ito na makakabawi ang nasabing mga sektor sa mga susunod na buwan dahil sa patuloy na pagbuti ng ekonomiya ng bansa.