Tiniyak ng Department of Tourism na patuloy nilang palalakasin ang sektor ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng tamang protelsyon sa mga turista maging lokal man o international.
Ito ang binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa isinagawang kauna-unahang Tourist First Aid Facilities sa bansa.
Naging katuwang ng ahensya ang DOH maging ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority para itayo ang naturang pasilidad.
Dumalo sa isinagawang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding sina Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, Health Secretary Teodoro Herbosa at Assistant COO Atty. Joy Bulauitan bilang kinatawan ni TIEZA Chief Operating Officer (COO) Mark Lapid.
Sa naging mensahe ni Frasco, pinasakamata nito ang DOH dahil sa pagtanggap nito ng kanilang proposal upang mabigyan ng focus ang security ng mga lokal at internasyonal turist sa bansa.
Sinabi pa nito na ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang siyang gagawa sa pasilidad habang ang DOH ang magpapatakbo nito.
Kung maaalala, sinabi ng United Nations Tourism na malaking tulong para sa tourism sustainability at competitiveness ang pagkakaroon ng health, safety, security, at kaukulang hygiene.