-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis ngayon ng pulisya ang tatlong armadong kalalakihan na natukoy lumusob sa planta ng mga bakal at binaril-patay pa ang sekyu bago tumakas sa bayan ng Villanueva,Misamis Oriental.

Kinilala ang nasawing sekyu na si Celso Palma,58 anyos na tubong-Davao City habang sugatan ang kasama nito sa trabaho na si Teodem Colonia,38 na kapwa nagbantay sa Mindanao Talakag Steel Corporation na inatake ng mga kawatan.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Polic Major Joann Navarro na hindi inalis ang teorya na inside job ang kremin dahil mabilis ang pangyayari at natunton pa ang pinagligyan na safety vault kung saan nalimas ang P1-million cash money maging kalahating milyong halaga ng mga alahas.

Inihayag ni Navarro na parehong naka-bonnet ang mga salarin na armado ng kalibrer 45 at 9mm pistol na bumaril kina Palma at Colonia.

Samantalang iniimbestigahan pa ang trak drayber dahil balisa ito batay sa kuha na CCTV camera footages habang kasalukuyang naganap ang kremin.

Inihanda na ng pulisya ang kasong homicide,frustrated homicide at robbery laban sa mga salarin na lumusob sa planta ng madaling araw kahapon.