-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Midsayap, Cotabato ang mga programa kaugnay sa selebrasyon ng 47th Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Kabilang sa mga magiging programa at aktibidad ng Municipal Nutrition Committee kasabay ng selebrasyon ay ang pagbibigay ng supplementary food supplies at multivitamins para sa mga buntis at batang malnourished.

Layon nito na masiguro ang sapat na nutrisyon ng bawat Midsayapeño sa kabila ng krisis dulot ng pandemiyang COVID-19.

Tema ng 47th Nutrition Month ngayong taon ay ‘Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1,000 Days Tutukan!’