-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Magsisimula na ngayong araw ang isang linggong selebrasyon ng ika-67 Anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Pigcawayan Cotabato.

Kabilang sa mga gagawing aktibidad sa pagdiriwang nito ay ang Ecumenical Service sa October 14, Tree Growing Activity sa October 15, Spoken Word Poetry Competition sa October 16, On-the-spot Poster Making Competition sa October 17, Photography Contest sa October 18 at Thanksgiving mass and Awarding Ceremony sa October 20.

Ini-angkop naman ang isasagawang aktibidad sa mga panuntunan hinggil sa mass gathering at sinigurong nasusunod pa rin ang standard health protocol upang makaiwas sa pagkahawa sa sakit.

Sa mensahe ni Mayor Jean Dino Roquero, magiging enggrande sana ang selebrasyon ng anibersaryo ng bayan ngayong taon ngunit dahil sa pandemiyang nararanasan ay minabuting gawing simple na lamang ang pagdiriwang nito.

Tema ng 6th Foundation Anniversary ng Pigcawayan ay Pag-ulugyon kag Pagbinuligay, Susi sa Paglampuwas sa hangkat sang Panahon.