CENTRAL MINDANAO – Dinagsa ng libu-libong katao ang pagdiriwang ng Kalivungan Festival kasabay ng ika-105st founding anniversary sa probinsya ng Cotabato.
Naging makulay rin ang selebrasyon dahil sa kaliwa’t kanang mga aktibidad na kinabibilangan ng Street Dancing Parade at Cultural Showdown na naglalarawan ng kultura at tradisyon ng lalawigan.
Ang Kalivungan ay isang salitang manobo na ang ibig sabihin ay pagtitipontipon.
Tema ng padiriwang ay ”Masaganang North Cotabato, Dumaki”.
Naging panauhing tagapagsalita ang aktor na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na humalili sa kanyang ama na si Senador Ramon ”Bong” Revilla Jr.
Nagbiro pa si Vice-Gov Revilla na kahit hindi nakarating ang kanyang ama pumalit naman sa kanya ang kanyang kamukha at mas gwapo pa.
Binigyang diin nito na ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ng probinsya ang siyang susi para sa mas matatag na Cotabato.
Naging maayos at mapayapa ang selebrasyon ng Kalivungan Festival at 105th Foundation Anniversary ngayong taon na pinangunahan ni acting Governor Emmylou ”Lala” Mendoza,
Dinagsa rin ng mga nanood ang Street Dancing Parade at Cultural Showdown kung hindi ito alintana ang init ng panahon masaksihan lamang ang makulay na programa.
Hindi mahulungang karayom ang mga tao para lang saksihan ang makulay na kasuotan ng mga mananayaw sa saliw bg magagandang tugtog.
Nanalo naman sa Street Dancing at Cultural Showdown ang mga sumusunod: Champion- Kalilintad Performing Arts Guild mula sa bayan ng Matalam Cotabato na tumanggap na premyong P500,000.
1st Runner-Up-Tribung Kawayanon, M’lang Performing Arts Guild sa bayan ng M’lang na may P300,000 na premyo.
2nd Runner-Up- Kapinpilan High School Performing Arts ng Midsayap Cotabato na nag-uwi ng P200,000.
Consolation Prizes mula sa bayan ng Pikit at Banisilan National High School Dance Troupe ng Banisilan Cotabato na tumanggap ng tig- P50,000.
Nagpasalamat naman si acting Governor Mendoza sa mahigpit na seguridad na pinatutupad ng militar at pulisya para matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo at nakisaya sa Kalivungan Festival.