BAGUIO CITY – Naniniwala ang Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) na 100% nang matutuloy ang selebrasyon ng Panagbenga Festival 2020 ngayong buwan ng Marso.
Maaalalang nakansela ang selebrasyon ng Panagbenga Festival na ipinadiriwang sana noong nakaraang buwan dahil sa banta ng coronavirus disease.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Andrew Pinero, media officer ng BFFFI, sinabi niyang walang anumang senyales na nagpapakitang makansela ulit ang mga akitibidad ng Panagbenga.
Aniya, tuloy-tuloy na naghahanda ang BFFFI at ang lokal na pamahalaan ng Baguio City.
Ibinahagi din ng opisyal na may mga bagong kompanya a makikisali sa Grand Float Parade.
Sinabi pa niya, naghahanda na sila para sa Opening Parade ng Panagbenga 2020 sa Marso 21.
Magaganap naman ang Grand Street Dance Parade sa Marso 28, ang Grand Float Parade sa Marso 29 at ang Session Road in Bloom sa Marso 30 hanggang Abril 5.