-- Advertisements --

Inanunsyo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) ang pagurong ng selebrasyon ng Solemnity of Immaculate Conception na gagawin sa Disyembre 9, Lunes mula sa dati nitong araw na Disyembre 8.

Nakasaad sa memorandum circular na nilagdaan ni Fr. Carmelo Arada, head ng the Archdiocesan Liturgical Commission, kinokonsidera ang Solemnity of Immaculate Conception bilang ‘holy day of obligation’ kung saan inaasahan ang mga mananampalatayang katoliko na magtungo sa mga Misa.

Na siya namang kinikilala sa araw ng Linggo, kasama pa ang iba pang mga araw bilang paggunita sa conception of the Blessed Virgin Mary.

Ayon kasi sa Church’s Canon Law, hinihikayat ang mga katoliko na makiisa sa Holy Eucharistic celebration at magpahinga muna sa kani-kanilang mga trabaho at negosyo sa araw ng ‘holy day of obligation’.