-- Advertisements --
Emosyonal ang singer na si Selena Gomez dahil sa ginagawang pag-deport ni US President Donald Trump sa mga migrants.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video at sinabing ang mga kababayan niya ay inaatake maging ang mga bata.
Hindi pa nito mapigilan ang umiyak sa camera at sinabing kung mayroon lang sana itong magagawa.
Umani naman ng batikos ito mula sa ibang fans at pinayuhan si Gomez na dapat ay magtungo na lamang ito sa kongreso para iapela ang panawagan.
Matapos naman ang ilang oras ay binura ni Selena ang kaniyang naiupload na video.
Magugunitang ang singer ay may lahing Mexican kung saan kabilang ang nasabing lahi na itinataboy ng mga kasapi ng Immigration and Customs Enforcement (ICE).