-- Advertisements --

Kabilang na sa ‘Billionaires list’ ang Hollywood actress at singer na si Selena Gomez.

Base sa Bloomberg na nasa $1.3 bilyon ang yaman ng 32-anyos na si Gomez.

Umarangkada ang yaman nito dahil sa kaniyang Rare Beauty make-up company na kaniyang itinaguyod noong nakaraang limang taon.

Dahil dito ay kabilang siya sa ‘youngest female self-made’ billiionaire kasama sina Taylor Swift at Rihanna.

Bukod sa kaniyang make up company ay ilang milyon din ang kaniyang kinikita sa mga enforsements niya sa mga kilalang luxury brand.

Isinilang sa Texas at half Mexican-American ay sumikat ito dahil sa kaniyang pagiging pasyonista at mga naging mga nobyo niya.

Na-diagnosed din ito ng bipolar disorder at autoimmune diseas lupus.

Siya rin ang may pinakamaraming followers sa Instagram kung saan aabot sa mahigit 424 milyon ang kaniyang fans.