-- Advertisements --
Inilunsad na ni Selena Gomez ang kaniyang bagong beauty lines.
Sa kaniyang social media account, sinabi nito na sa susunod na mga buwan ay magbubukas na ang “Rare Beauty” products.
Dagdag pa ng singer na higit pa ito sa beauty brand ang nasabing mga produkto niya dahil ito ay kakaiba.
May misyon ang kanilang produkto na maging konektado ang lahat ng mga tao sa bawat isa.
Magugunitang ilang mga celebrities na rin ang naglunsad ng kanilang sariling clothing at beauty brand gaya nina Lady Gaga, Victoria Beckham, Kylie Jenner, Rihanna at maraming iba.