Mas naging masaya at tahimik umano ang buhay ng American pop star na si Selena Gomez mula nang masanay na hindi nagbibigay ng atensyon sa internet.
Ayon sa tinagurian noon bilang Disney Princess, mahigit apat na taon na siyang hindi gumagamit ng internet at ito ay para protektahan ang kanyang mental health.
Dagdag ng 29-year-old singer/actress, lumaki siya sa spotlight at bagama’t marami siyang natutunan ay nakaapekto na ito sa kanyang mental health kaya piniling isalba ang sarili.
“I haven’t been on the internet in four and a half years. It has changed my life completely. I am happier, I am more present. I connect more with people. It makes me feel normal,” dagdag nito sa Good Morning America.
Si Selena na ex-girlfriend ng Canadian pop sensation na si Justin Bieber, ay mayroon nang mahigit 300 million followers sa Instagram pero ang kanyang team ang nagma-manage nito.