-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan na madagdagan pa ang mga taga Japan na makikibahagi bilang foreign soldiers sa Ukraine.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma, as of press time, umaabot na sa
70 Japanese na mga kalalakihan na kinabibilangan ng 50 mga dating myembro ng Self-Defense Forces ng Japan.

Dalawa anya sa mga volunteers ang naging bahagi ng French Foreign Legion.

Kaugnay nito nilinaw ni Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi na maliban sa pakikipaglaban sa mga Russian soldiers, maari ring magsagawa ng humanitarian aid ang ibang mga volunteers mula sa Japan na tutulak sa Ukraine.