-- Advertisements --
AFP and PNP

Planong ipatupad ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang “self-regenerating” pension plan para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Presidential Communications Office na nais ni Pangulong Marcos na magkaroon ng self-sustaining pension plan ang AFP at PNP upang maiwasan ang posibleng pagkaubos ng pondo.

Paliwanag ni Marcos, ito ay bahagi ng kanilang paghubog para sa mas maaayos na sistema kasabay ng pagsisiwalat na posibleng maubos ang mga pondo nito sa susunod na lima hanggang anim na taon.

Samantala, bukod dito ay sinabi rin ng pangulo na plano rin niyang gumawa ng mga housing program hindi lamang para sa AFP at PNP kundi pati na rin sa iba pang unipormadong tauhan.