Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang indibidwal na umano’y producer at seller ng mga pekeng government ID sa lalawigan ng Cebu.
Batay sa pahayag ng ahensya, nahuli nila ang suspect dahil sa isang reseller nito na kinilalang si alias “Yuri Chan.”
Ayon kay Chan, ang kanyang mga binebentang counterfeit BIR TIN card ay binibili niya rin mula sa kanyang supplier at binabayaran online.
Kaagad namang nagkasa ng entrapment operation ang NBI .
Nakuha sa isang ginang mula sa Lagtang, Talisay City ang tinayang 240 fake BIR TIN cards at 250 blank PhilHealth card kasama na ang ilang laptop at printer.
Kaagad namang binawi ng NBI ang mga fake cards at machines na ginagamit ng suspect.
Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang suspect na may kinalaman sa pagbebenta ng mga pekeng government ID.