-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang mister matapos nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Olalo, Pilar, Capiz.

Ang biktima ay 32-anyos na residente rin ng naturang lugar.

Base sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo, napag-alamang natagpuan na lamang ng kaniyang ina ang biktima na nakabitay sa loob ng bahay gamit ang kumot.

Hindi na naisalba pa ang biktima dahil matigas na umano at nangingitim ang katawan nang matagpuan ito.

Bago kinitil ang sariling buhay ay naligo pa raw sa ilog ang biktima at nakipag-inuman sa kaniyang mga barkada.

Napag-alaman pang pinagselosan ng biktima ang katrabaho ng asawa nito sa Balasan, Iloilo na hindi pa nakakauwi dahil sa travel restrictions.

Nguni’t nagkaayos naman sila kaya hindi pa matukoy ng pulisya kung ano ang dahilan ng biktima sa pagpapakamatay.